LIFE · MOVIES

Thoughts on #LastNight

Last Night

Napanood ko pa lang yung trailer I was like, kakaiba ito, walang masyadong nareveal na kwento sa trailer. But I noticed few things, Toni’s dress looks old. Its sort of some fashion from the 80’s [not really sure about the era] and when she talks about her boyfriend the set up looks old told too, so sabi ko I think they’ll play with time kasi there were scenes din naman that look modern. That made me curious about the movie.

I’m the type of movie watcher na nagaanalyze ng story. I want to figure things out before the big reveal. Gusto ko alam ko na yung magiging ending habang nasa kalagitnaan pa lang ang pelikula. Gusto ko yung masasabi ko yung “Sabi ko na eh.” Last Night is one of the few movies na I had the “Ohhhh.. Kaya pala..” reaction. I didn’t see that coming, I didn’t expect that twist. I was more of, Toni Gonzaga ito, parang My Amnesia Girl at Starting Over Again lang ito; but I was wrong. It was not the typical rom-com film, not your usual love story with happy ending. If I had to compare, hindi nya napantayan kung paano ginapos ng Starting Over Again yung emotions ko, at hindi din neto nakuha ang levels ng charm at wit ng That Thing Called Tadhana but I must say that the movie has its own way of touching your soul and imparting significant life lessons.

Mark Peters

Most of us, if not all, went through the same level of depression as Mark Peters (Piolo Pascual) did in the movie. You can clearly see it in his eyes that he felt no hope, when the people who were expected to stand by his side were the first people to betray and reject him. When everything seems to run towards the direction opposite to his plans. Mahirap! Wala ka nang makapitan, hindi mo na alam kung paano mo sasabihin sa sarili mo na kaya mo yan, bangon lang, laban pa. But then, all you need is someone who could make you realize those things. Someone who could be with you, guiding you while you figure things out…

Carmina Salvador

Makulit. Papansin. Madaldal. Pero may puso. I always love how Toni Gonzaga portrays this type of character. I find it natural, not the trying hard acting.

I was wondering why it was past halfway of the film but I haven’t really get any story of who is Carmina Salvador, except that her name was from the movie “Hihintayin na lang kita sa Langit” Parang laging paiwas ang mga sagot n’ya every time Mark is asking stuff about her. I find this weird, until hindi s’ya sumipot sa simbahan…

Suicide

I know the story does not want to put much emphasis on this note, but I find this concept quite relatable. It was college years when suicide was not just mere word for me. There are days back in the university when we will hear news about students committing suicide or even learn na yung dati mong classmate na nakakasama sa isang classroom ay nagsuicide, kasi binagsak daw ng prof dapat graduating na. I was like, how could they do that to themselves?? Paano nila kinakaya?? Naging biruan na tuloy namin ng dorm mates at house mates ko na “hoy, kahit bumagsak ka wag kang magpapakamatay! Baka magmulto ka pa dito sa kwarto/bahay.” I survived college [kahit ang dami ko na binagsak na subjects at nakaranas pa ng dismissal, MRR] never did that thought came into my mind.

Not until recent events, darating pala talaga sa buhay mo yung Mark Peter’s moment. Sobrang down mo, pakiramdam mo wala kang kakampi, wala kang halaga. Lahat ng nasa paligid mo puro sila masaya pero ikaw parang nilalamon ka ng lungkot. Wala ka mahugutan ng kahit kaunting rason para maging masaya. Parang lahat nang nangyayari sa buhay mo mali. Sobrang lungkot, gusto mo na lang mawala, gusto mo na lang hindi na magising, gusto mo na lang hindi na mabuhay pa.

Yes! I wanted to end my life. I came into a point thinking of what’s the best way to do it. I even pray, every time I close my eyes to sleep, that I hope I will no longer wake up. Sobrang lungkot at sobrang dilim wala kang mapuntahan, wala kang makapitan. I tried to talk to friends about this meron iba na lelecturan ka about religion [matakot ka sa Diyos, bakit mo naiisip yan?], about family [yung pamilya mo sila yung rason para maging masaya ka], about life [ano bang gusto mong mangyari sa buhay mo?] But none of these seems to lighten up what I felt. None of these thoughts made me feel better.

It’s all up to one person – YOU!

People around you can help, you can meet your Carmina Salvador [in a more realistic way]. They can give you all the advice that you need, all the comforting words you need to hear, but it’s always you and only you who can really help yourself. Acknowledge those demons in your head, if you feel like being sad, let it be! If you feel the need to cry, let it all out. Because eventually all these crappy stuff will have to end, it’ll be gone at one point. Yes, it may come back but definitely it will somehow cease. And it’s not your whole life that has to end, just that phase of your life.

It is always easier said than done, pero kakayanin! Just give yourself all the time that you need. Minsan ang sarap isipin na kapag namatay ka malalaman mo kung sino talaga yung nagmamahal sa’yo, kung sino ang nagpapahalaga sa’yo. But come to think of it, death is something permanent. The pain that you could inflict to the people who care about you, who love you, could be permanent too. Gusto mo ba ‘yon? Or would it be better if one day you’ll be able to tell yourself “I’m alive! I survived! I made it and I did a great fight!”

Love

Paano ba makalimot??

Paano ko ba kakalimutan ang lahat ng mga alaala mo, mga alaala natin na inukit ko sa puso at isipan ko?

Kailangan ko bang ukitan muli ang puso at isipan ko para burahin ang lahat ng alaala na ito?

Paano ko ba kakalimutan ang mga gabi na kausap ka sa telepono, na tila ba hindi tayo nauubusan ng pagkukwentuhan. Ang mga gabi na kausap ka na hindi ko iniinda ang mga lamok na kumakagat sa aking mga binti, ang antok na dumadampi sa aking mga mata. Ang pakiramdam na kahit puede pa naman mag-usap ulit kinabukasan pero ayaw mo ibaba ang telepono kasi masaya ka, at habang lumalalim ang gabi ay lalong lumalim ang pinaguusapan n’yo at lalong lumalalim ang pagmamahal mo sa taong kausap mo.

Paano ko ba kakalimutan yung unang beses na niyakap mo ako, hinalikan sa noo at sinabing mahal mo ako? Paano ko makakalimutan ang lahat ng pagkakataon na akap mo ako at nakasandig ang ulo ko sa iyong dibdib, ang paborito kong lugar sa lahat? Paano ko makakalimutan kung paano ako napapakalma ng isang yakap mo lang at tila nawawala lahat ng pagod at pangamba?

Paano ko makakalimutan yung ibinukas mo sa akin yung buong pagkatao mo, yung tiwalang binigay mo sa akin na ipakilala kung sino ka talaga, ang pamilya mo at lahat ng bagay tungkol sa iyo, maganda man o pangit?

Paano ko makakalimutan yung pagiging totoo mo, na siyang minahal ko sa’yo, na siyang hinangaan ko sa’yo?

Paano ko makakalimutan yung pagkakataon na sinabi ko sa sarili ko na ikaw na yung gusto ko kasamang bumuo ng pamilya, na ikaw na ang gusto kong maging ama ng mga anak ko, na ikaw na yung gusto kong makasama sa lahat ng masasayang araw ng buhay ko, na ikaw na yung binigay ni Lord para sa akin?

Paano ko makakalimutan yung araw na binigyan mo ako ng singsing, isang simbolo ng pangako ng pagmamahalan, “Two shall be as one, always protect, always trust, always love”? Paano ko makakalimutan ang paghihinayang at guilt na nararamdaman ko kapag naalala ko ang araw na sinauli ko sa’yo ang singsing na ito?

Paano ko makakalimutan ang mga umagang gigising ako at ikaw ang una kong makikita? Paano ko makakalimutan kung paano mo nagawang makasanayan ko na payapang makatulog ng may katabi at may kaakap?

Paano ko makakalimutan lahat ng ito kung sa bawat umaga na gigising ako ikaw ang una kong maiisip?

Paano ko makakalimutan kung sa bawat gabi bago ako matulog ay kalakip sa aking panalangin ang isang bagong umaga na kasama ka na at maayos na ang lahat?

Paano ko makakalimutan kung sa bawat mahahalaga at masasayang okasyon sa buhay ko ay naiisip ko na dapat kasma kita?

Paano ko makakalimutan kung sa bawat pagkakataon na ako ay may lungkot at pangambang nararamdaman ay alam kong ang mga payo mo at boses mo pa lamang ang magbibigay sa akin ng kapayapaan?

Paano ko malilimutan ang mga alaala mo??

Paano ko makakalimutan na mahal kita??

Paano ba mahal ko? Turuan mo ako, paano mo nagawang kalimutan lahat ng ito??

 

MOVIES

10 thoughts about KITA KITA

Isa, Isang masigabong palakpakan with matching standing ovation para sa mga nakaisip, nagimbento ng kwento, namuhunan, nagpakapagod para magawa ang pelikulang ito. Kudos!

Dalawa, sa dalawang karakter lamang umikot ang buong kwento ng pelikulang ito. Pero ito ay sapat na, at hindi na kailangan ng sino pa mang supporting actor o actress. Dalawa lamang sila pero nabigyan nila ng buhay ang isang kwentong piksyon.

Tatlo, Tatlong beses ka kumain ng repolyo sa isang araw kung gusto mo sumaya. Samahan mo na ng Sapporo beer dahil tanging si Sapporo na lang ang loyal ngayon.

Apat, apat na araw na mula ng napanood ko ang pelikulang ito pero kinakanta ko pa din ang Two Less Lonely People In the World #Earworm #LSStothenthlevel

Lima, limang emosyon ang nanaig sa akin habang pinapanood ito. Tuwa. Pighati. Pagkasawi. Panghihinayang. At Pagtataka. BAKIT?? Bakit naging ganon ang kapalaran nila?? Bakit sa ganoon paraan nagtapos ang kwentong ito?? Bakit kung kalian maayos na ang lahat saka ganon ang mangyayari??

Anim, Anim na beses mo man pigilin ang ihi mo o anim na beses man pumatak ang ihi mo sa salawal mo, AYOS LANG YAN!! Basta siguraduhin mo lang na wala kang palalampasin na eksena.

Pito, Pitong kaibigan mo ang dapat mo isama sa panunood nito, kung wala kang 7 kaibigan [kawawa ka naman] pero puede na kahit isa lang, siguraduhin mo lang huwag ka manuod mag-isa. Mas masarap manuod na may kasama kang iiyak at may hahampasin ka sa kakahagalpak sa tawa.

Walo, walong buwan lang kami ng ex ko [at talaga namang pinasok ko pa si ex dito.. hahaha], walang-wala sa mga taon ng relasyon nila Tonyo at Lea na natapos bago nila nakilala ang isa’t-isa. Pero kagaya nila, hindi iyon ang katapusan. Hindi ibig sabihin nito ay hindi ka na makakatagpo ng pag-ibig na hinahanap mo. Maaring ito ay dumating sa pagkakataon na hindi mo inaasahan at sa pamamaraan na hindi mo inakala.

Siyam, ika-Siyam ng gabi, hinabol ko ang LFS dahil gigil na akong malaman kung bakit si Tonyo at si Lea ang loveteam na kumabog sa KathNiel, LizQuien, Jadine na tambalan.

Sampu, Sampu o higit pa na aral ang itinuro sa akin ng pelikulang ito. Una na dito ang nakakabulag ang stress, kaya please huwag na magpastress. Take a break! Nood na! It’s Now, It’s Never!

#KitaKita #TeamAlEmpoy #Ashiyu #ISeeYou